Nueva Ecija Kay Ganda with Lyrics by Redstilo ft Bituin

Nueva Ecija Kay Ganda with Lyrics by Redstilo ft Bituin

Islam Philippines

Halika na’t sumama
Dito sa Nueva Ecija
Rice Grannary of the Philippines
Dito lang makikita

Tagalog at Ilocano
Lengwahe namin dito
Maaaliw kang tunay
Kaya isama mo na agad ang mahal mo

I
Maraming gustong tumungo dito sa aming lalawigan
Upang makita ang ganda ng kalikasan
Puntaha, maligo at kaaya-aya
Ang malinis at malamig ang tubig ng ilog Tubinga

II
Pwedeng tumambay, puntahan at magbakasyon
Dito masasaksihan ang talon sa Gabaldon
Gusto ng ibang trip na iyong maranasan
Tambay sa Tanauan kasama ang tropa at kaibigan

III
Dito makikita ang sobrang dami ng palay
Kaya libutin mo ang kampo sa Fort Magsaysay
Ang sibuyas sa Bongabon puwede mong ibaon
Sa Licab, makikita ang Festival ng Kariton

IV
Sa San Leonardo ay malawak na gulayan
Iba’t ibang gulay ang iyong masusulyapan
Ang kagandahan ng kalikasan at dito lang makikita
At magandang bulubundukin ng Carranglan

CHORUS
Halika na’t sumama
Dito sa Nueva Ecija
Rice Grannary of the Philippines
Dito lang makikita

Tagalog at Ilocano
Lengwahe namin dito
Maaaliw kang tunay
Kaya isama mo na agad ang mahal mo

V
Sa Nueva Ecija, talagang nakakasabik
Dinadayo sa Aliaga ang mga taong putik
Isama ang iyong ka-ibig ng kaparehas
Sa lang sa Gapan makikita mo ang dambuhalang tsinelas

VI
Malas-malas kapag ito’y hindi mo natikman
Ang Batutay Longanisa ng Cabanatuan
At tikman ang jumping salad na nakakatakam
At libutin mo din ang Pantabangan Dam

VII
Ang kapitolyo ng lalawigan ay gusto mong tingnan
Ikaw ay tumongo sa bulubundukin ng Palayan
Sa San Geromino, dinadayo ng mga deboto
Dito matatagpuan sa bayan ng Sto Domingo

VIII
Tiyak kaligayahan dito mo matatamo
Ang Festival sa Talugtug ng walis tambo
Sa Lupao, makakabili ng masasarap kabute

REPEAT CHORUS

IX
Ang bayan ng General Tinio ay hindi mo nadungo
Subukan libutin ang ilog ng Milalungow
Kung gusto mo ng pagkaing masarap ang lasa
Tikman ang buro sa Bayan ng Zaragosa

X
Sa Llanera, tiyaka maaaliw ka sigurado
Kilala sa paggawa ng bukid na pang-abono
Ang buong Natividad at hindi mo pa nadadalaw
Punta ka at uminom ng sariwang gatas ng Kalabaw

XI
Sa Festival na maganda at maayos umestema
Sa Cabiao mo makikita ang Paestema
Sa San Isidro ikaw ay magsimba at ika’y pumaroon
Kasaysayan ng Nueva Ecija at makikita mo doon

XII
At sa bayan ng Jaen, pwede ka din lumibot
Masasarap na puto, tiyak hindi mo malilimot
Sa Muñoz, makikita ang malawak na paaralan
At mga produkto ng gatas na pwedo ng matikman

XIII
Sa Quezon at Cuyapo ay iyo rin puntahan
Doon rin matitikman ang mga matatamis a pakwan
Sa Santa Rosa na kung saan ay may malinis na palengke
Ganun din sa Bayan ng Guimba sa San Jose

XIV
Sa Rizal at Nampicuan at may taglay na kagandahan
At may masasarap na biko at mga suman
Candy na kamatis, talagang kakaiba
Dito mo natitikman sa Bayan ng Talavera

XV
Ang ganda ng Peñaranda ay hindo mo nararating
May mahabang Espasol at maraming kakanin
Sa Laur mo makikita ang Bato Ferry
Masarap magpunta doon kasama ang pamilya

XVI
Sa San Antonio, masarap ang simoy ng hangin
At talagang masarap ang mga gawa nila nitong pagkain
Kung ako sa inyo, sa Nueva Ecija na pumunta
Dito na makikita ang hinahanap ninyong saya

Tara na (Tara na)

Halika na’t sumama
Dito sa Nueva Ecija
Rice Grannary of the Philippines
Dito lang makikita

Tagalog at Ilocano
Lengwahe namin dito
Maaaliw kang tunay
Kaya isama mo na agad ang mahal mo……

Advertisements

About Koan

Visit and Enjoy this Website and Blogs. Lots of Stuff from gangs, narcos, propaganda, hip hop, rap, jihadi, hymns and songs. Thank You https://www.jpost.com/Opinion/ISIS-Hezbollah-rivalry-in-Latin-America-450232
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.