Himno ng Sto. Tomas, Batangas – Sto Tomas, Batangas Hymn

Himno ng Sto. Tomas, Batangas – Sto Tomas, Batangas Hymn

Islam Philippines

Dito sa bansang silangan Pilipinas ang pangalan
Mayroon siyang nasasakupan lalawigan ng Batangan
Sa Batangan ay may bayan na aking kinamulatan
Bayan kong kinagisnan sapul sa pagsilang

Ang dalaga ay mayumi, ang binata ay magalang
Ang supling ay masunurin, lingkod ng bawat magulang
Lupa ng mga bayani na lumaban sa dayuhan
Buhay ma’y ilalaan sa bayan kong hirang

KORO:
Sto. Tomas ikaw ang bayan ko
Sto. Tomas anak mo ay ako
Bayan tangi ka sa Batangan sadyang tanyag ang iyong pangalan
Sto. Tomas ikaw nga ay ako
Akong nasa sinapupunan mo
Masasabi kong ako’y ako Pinoy sa tanging bayan ko

Iisa ang aming awit, iisa ang aming tinig
Mayroong iisang paghilig sa Diyos nating iniibig
May haligi ng talino, may lakas ang mga bisig
Bayang ‘di mabubuwal sa pagkakatindig

(ULITIN ANG KORO 2X)

Masasabi kong ako’y ako Pinoy sa tanging bayan ko

Advertisements

About Koan

Visit and Enjoy this Website and Blogs. Lots of Stuff from gangs, narcos, propaganda, hip hop, rap, jihadi, hymns and songs. Thank You https://www.jpost.com/Opinion/ISIS-Hezbollah-rivalry-in-Latin-America-450232
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.