El Nido March (Official Hymn of El Nido – Palawan)

Islam Philippines

El Nido March (Official Hymn of El Nido – Palawan)

Pinagpala sa norte ng Palawan
Kalikasan niya’y sadyang ubod yaman
Sa taglay na ganda ‘di mapantayan
Balinsasayaw doo’y nagpupugaran

Mga taraw sa kanya’y nagtataasan
Nagmistulang kahariang mag tanggulan
Santuaryo ka nga sangnilikha
Obra-maestra ng Diyos na dakila

El Nido, El Nido
Ligaya ka ng buhay ko
El Nido, El Nido
Buhay kong ito’y laan para sayo

Dalampasigan kung tingna’y nag-aanyaya
Sa rikit niya’y walang kaparis talaga
Pati dayuhan sayo’y nahalina
Hinahanap ‘pagkat kaakit-akit ka

Matatayog na puno ‘yong taglay
Himlayan ka ng nanghihina kong buhay
Libo mang hirap aking titiisin
Ipagsasanggalan, ika’y mahal sa ‘kin

El Nido, El Nido
Ligaya ka ng buhay ko
El Nido, El Nido
Buhay kong ito’y laan para sayo

Mga pangarap ko’y nabuo sa ‘yo
Sa buhay ko pampasigla kang totoo
Anumang dala ng lupit ng tadhana
Bumabalik sa ‘yp ‘pagkat kanlungan ka

Lahat ng araw, maaasahan ka
‘Pagkat sa buhay ko ikaw ay subok na
Aral mo, gabay ‘king buhay
Ika’y tanglaw at aking patnubay

El Nido, El Nido
Ligaya ka ng buhay ko
El Nido, El Nido
Buhay kong ito’y laan para sayo 2X

Buhay kong ito’y laan para sayo

Advertisements

About Koan

Visit and Enjoy this Website and Blogs. Lots of Stuff from gangs, narcos, propaganda, hip hop, rap, jihadi, hymns and songs. Thank You https://www.jpost.com/Opinion/ISIS-Hezbollah-rivalry-in-Latin-America-450232
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.